| Di ko makakalimutang experience sa MRT!!! |
[17 Jul 2005|01:55am] |
| [ |
mood |
| |
inaantok na ako! |
] |
Last Friday, July.15,2005, kakagaling ko lang sa OJT work ko sa Workshop One sa Makati mula umaga ng 9am and umuwi kami ng classmates ko ng 230pm, pero ang nakakatuwang nangyari is biglang umuulan, as in sobrang ang lalaki ng patak ng ulan, eh yung classmate ko naman gusto na umalis agad kasi may class pa sya ng 245pm, e nakisabay na din ako at yung isa naming classmate. Nakakahiya pa nga sa sinabayan namin kasi babae sya tapos wala pa kami payong nung time na yun, sya lang kasi ang may dala ng car pero ok lng sa kanya na kasi maleleyt na sya eh. Sumabay ako sa kanya at bumaba din ako sa taft sa tapat ng skool at nagpaalam na ako sa kanila. Umakyat na ako sa LRT agad baka kasi umuulan pa, pagdating ko sa MRT, ang daming tao sa pila sa ticket booth "as usual laging ganun dun sa TAFT STATION ng MRT!!" nang sumakay na ako sa loob ng train ng MRT, umupo ako dun sa pinakasulok at maya-maya umandar na yung train at ako naman sobrang inaantok ako at natulog muna ako. Napasarap nga yata tulog ko nun eh, pero nagising ako sa CUBAO STATION ATA??? dko matandaan kasi sobrang antok ako at natulog uli ako, maya-maya nananaginip ako pero dko naman matandaan panaginip ko?? at biglang may narinig ako na isang boses, boses na medyo parang familiar! at ang sinabi pa nya ay "SIR! SIR! GISING NA PO!!!" biglang tumayo ako nung narinig ko yung boses nya, dko namalayan na nasa NORTH AVE STATION na pala ako ng MRT! nagmadali ako lumabas at habang lumalabas ako sa train, napansin ko na wala nang tao sa train at lahat nakapila sa labasan, "GRABE HIYANG-HIYANG AKO NUNG MGA ORAS NA YUN!!! Ngayon ko lang naexperience sa MRT yung ganun...
|
|